Sharon, naimpeksyon ang mata

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MARAMI ang nagpadala ng “get well” message kay Sharon Cuneta dahil sa post nitong she was rushed to the ER of Makati Medical Center dahil sa eye infection. Pinost din ni Sharon ang photo niya na natatakpan ng eye patch ang right eye.

Sharon2

“Majorly painful/painfully major eye irritation tonight. Had to be rushed to the Makati Med E.R.. Buti walang scratch or foreign body. Nairritate lang dahil sa bahay when it was itchy and a bit sakit I scratched and washed it. Ayan. Kulang na lang makasama ko si Johnny Depp. Sabay na kami mag Pirates sa Caribbean. Haaayyy napakaKYUUUUUUT talaga ng buhay ko nitong mga araw na ito!” post ni Sharon.

Sa kanyang update, nabanggit ni Sharon na “My eye is better but still not normal. Last night parang tinutusok ng 2 karayom yung right eye ko jusko. Thank you so much for your prayers.”

By now, maayos na siguro ang right eye ni Sharon, mabuti at parang wala pa siyang commitment. Na-curious lang ang followers ni Sharon sa Instagram (IG) sa brand ng suot niyang relos nang i-post ang kamay na may hospital tag ng pangalan niya. Mamahalin ang relos na sayang at hindi nakita ang brand.

-NITZ MIRALLES