Sharon Cuneta learned the truth at 18

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SA Mega Celebration mediacon cum signing of the contract sa ABSCBN again na siyempre si Megastar ang nasa center stage ay tinanong ni yours truly si Sharon Cuneta kung at the age of 54 what truth did she learn na parang yung kantang …”I learned the truth at Seventeen that life was meant…” at kung iibahin niya yung lyrics, anak?

SHARON

“I learned the truth at 18…18 kasi ako ikinasal ( kay Gabby Concepcion)….19 ako nanganak…ahh, the sad thruth was at 21…finished!

“Pero friends na po kami, hahaha. Diyos ko padaanin na natin yung mga water under the bridge. Tapos na. Na-forgive ko na lahat ang kailangan kong i-forgive kahit hindi nila hinihingi.

“Meron namang huminge kahit hindi na …well, life is too short. ..that’s what I learned. I lost a dear friend 5 before Christmas and it hit me very hard So I don’t want to bear anymore grudges.

“Pero pag nag-forgive naman, hindi naman ibig sabihin na yung best friend mo ang nakasakit sa iyo,’di ba? So just relax lang. Kasi there are always good people around..I will always be there for some good people around…and there will always some good in every single person around.”

So kaya naging friends uli kayo ni Gabby? At naniniwala ka ba sa kasabihang ay, ano pala, hindi ka naniniwala sa kasabihang…once a lovers cannot be friends, ganern?

“Hahaha! Eto na naman ang kasabihan niya, hahaha. Kung naniniwala ako? Ah, no! I don’t believe that. Kasi yung mga Exes ko friends ko po, eh.”

Dami mong Exes?

“Si Robin, si Richard, si Gabby..friends ko po sila.”

Ay, Oo nga, ano. Sige, salamat, ha!

-MERCY LEJARDE