Daquioag, ipinamigay ng ROS sa TNT

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

PATULOY ang rigodon sa hanay ng Talk ‘N Text, at sa hangarin na mapalas ang Katropa, kinuha nila si Ed Daquioag mula sa Rain or Shine.

Inaprubahan nitong Martes ng Office of the Commissioner ang trade deal sa pagitan ng Rain or Shine at TNT kung saan makukuha ng Paint Masters ang future second-round picks mula sa KaTropa.

Bahagi ng usapan na ibibigay ng TNT sa Rain or Shine ang 2020 second-round pick, gayundin ang 2021 second-rounder na nakuha mula sa NorthPort, at 2022 second-rounder mual naman sa San Miguel.

Sa edad na 28, isa si Daquioag ang matikas na player ng Rain or Shine sa nakalipa na season, tangan ang averaged 7.5 puntos, 1.7 rebounds, at 1.7 assists.

Nabawasan ang kanyang playing time sa nakalipas na conference sa pagdating nina Rey Nambatac at Ping Exciminiano.