Eala, makalalaro sa tennis major event?

Filed under Tennis Balita RSS RSS Feed

SINIMULAN ni Alex Eala started ang kampanya sa abroad ngayong taon sa impresibong ratsada sa ITF juniors tour nitong Miyerkoles.

Sakaling manatili sa top 10 finish, awtomatikong kwalipikado si Eala sa main draw ng 2020 Australian Open juniors tournament sa Enero 25 hanggang February 1 sa Melbourne.

Nakapagtala si Eala ng kabuuuang 1452.50 puntos nitong Enero 6, patuloy naman siya sa pananalasa sa main draw at nasungkit ang Grade A tournament sa South Africa.

Nagwagi rin siya sa Orange Bowl doubles tournament sa Florida, kumakatok si Eala sa katotohanan ang pangarap.

Ngayong taon, target ng 14-anyos ba makausad sa top 5 ranking ng world juniors.

Umaasa ang Rafael Nadal scholar, mas mapaangat ang kalidad ng talento sa tennis.

Sasabak si Eala sa Grade 1 tournament bago ang Australian Open.