Tony concerned kay Julia

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

SI Tony Labrusca ang love interest ni Vice Ganda sa pelikulang The Mall, The Merrier na entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Tony at Julia

Thankful ang aktor dahil napasama siya sa pelikula ni Vice at unang beses niyang mapasama sa isang festival.

Samantala, sa nakaraang guesting ni Tony sa Tonight with Boy Abunda ay natanong siya kung posible siyang magkagusto sa kapareha niya sa iWant digital series na I Am U na si Julia Barretto.

Technically ay single si Julia dahil hindi naman nila inaamin ni Gerald Anderson na sila na, kaya baka sakali kung ligawan ng aktor ang aktres ay biglang lilitaw na may relasyon na sina ‘Ge at Juls.

Ang mabilis na sagot ni Tony, “Let’s not get ahead of ourselves. I’m just gonna say this, ‘you know what, one day, when she gets married, the man that she marries will be a very lucky man.”

At dahil may bonding moment na ang dalawa ay napag-usapan nila ang i syung kinasanggkutan ng dalaga.

“I feel for Julia. I think people forget that me and her are just people, just like everybody else. I mean, mayroon din kaming feelings, you know? Minsan, umiiyak din, minsan masaya.

“I mean, we’re just normal human beings. Noong nakita ko po siya, I kinda took time and I wanted to be, in the most respectful way, tinatanong ko siya Tito Boy on how is she, how is she coping with everything. “You know, she always goes back to God. And I can honestly say that I’m so inspired by her stories about her family,”kuwento ng aktor tungkol sa kapareha niya sa I Am U.

-Reggee Bonoan

  • yorme isko

    YOU ARE FULL OF SH1T !! TONY KABAYO !!