Pamasko ni Geneva Cruz sa Barkadahan sa Orange

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

orangePASISIGLAHIN ni Filipina actress-singer Geneva Cruz ang pagdiriwang ng “Isang Dekada Sama-Sama… OC Barkadas 10th Christmas Together” sa Disyembre 22 (Linggo) sa  Grijalva Park, 368 N. Prospect St., Orange, California. Makikisaya si Cruz sa mga Pinoy na naninirahan sa Orange, gayundin ang mga kaanak at kaibigan ng mga ito. Kabilang sa programa ng grupo ang sports activities, tulad ng basketball tournament. Nakatakda ring mag-promote ang singer/actress para sa kanyang konsiyerto “Geneva Cruz: US Farewell Concert” sa Enero 19, 2020 sa  Noypitz Bar and Grill sa  West Covina, California.