Pinoy batters, kampeon pa rin

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

NEW CLARK CITY — Napanatili ng Philippines ang baseball crown matapos pulbusin ang Thailand, 15-2, nitong Linggo sa 30th Southeast Asian Games.

Impresibo ang Pinoy batters na nagawang makaiskor sa bawat innings tungo sa matagumpay na kampanya sa tinapos na eight-winning win.

Ikinalugod ni team manager Orlando Binarao ang panalo ng Pinoy.

“The boys played very inspired baseball today,” pahayag ni Binarao.

Ginapi ng Indonesia ang Singapore, 10-4, para sa bronze medal.

-Annie Abad