Miss U tickets, sobrang mahal

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

MARAMING Pinoy mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang dumayo ng Atlanta, Georgia USA para suportahan ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados para sa Miss Universe 2019 pero laking dismaya ng karamihan dahil wala na silang tickets na mabili at ‘yung iba ay namahalan ng sobra.

gazini JEKO_REGGEE

Base sa impormasyong nakuha namin mula sa kaibigan naming si Jeko Abila na dumayo pa sa Atlanta galing ng Hongkong.

“Dami naming na-meet na Pinoy na disappointed sa ticket sales. Sobrang liit kasi ng venue kaya limited ang seats. Within seconds after nila mag-open ng ticket sales online, sold out na agad!

“And ‘yung prices ng reselling ng tickets ng a y o n s o b r ang mahal. As in! Kanina ang pinakamura was US$1,400 na! ‘Yung VI P h a l o s i s a n g milyong US dollars na!

“Ac t u a l l y , we think before pa nag-open online, na-allot na ng organizers ‘yung mga tickets. Then ‘ y u n g mga nagre-resell ngayon, pinagkakakitaan ng husto!

“Malaki ‘yung mismong property, about 330 hectares pero ‘yung mismong studio for the pageant, pang-3000 capacity lang,”mahabang kuwento sa amin.

Nakapanood din si Jeko ng Miss Universe pageant sa Las Vegas, USA noong 2017 at sobrang mura ng tickets.

“Sa Vegas nu’ng 2017, tig-US$120 lang yung ticket namin. And sobrang laki ng theater ng Planet Hollywood.” Sabi sa amin.

Ang American filmmaker at aktor na si Tyler Perry ang may-ari ng studio kung saan idinaos ang 2019 Miss Universe.

Sabi pa ng kausap namin, “ang dami namang malalaking theater at arena dito (Atlanta) bakit sa 3,000 capacity ginawa?”

Kulang daw sa cheer si Gazini, “Konti lang kasi mga Pinoy na nakakuha ng ticket kaya kulang sa cheer para kay Gazini. Kabado tuloy sya.

“Ang dami namin na-meet na Pinoy na disappointed kasi hindi man lang makapanood kasi walang tickets. May mga lumipad pa from different parts of US.”

Pinadalhan kami ng chart ng mga presyo sa Miss Universe Pageant Atlanta tickets na ang pinakamababa ay $5,605.00 floor 2; $28,500 naman sa floor 1; at VIP $949,999.05.

In fairness naman sa VIP, ay sobrang lapit nito sa stage at kitang-kitang na lahat pati pagbuka ng butas ng ilong.

At dahil maraming hindi nakapanood na mga Pinoy at first timer nu’ng iba sa Atlanta ay namasyal na lang sila sa magagandang parks doon at na-enjoy nila ang Atlanta Santa Claus bazaar.

Pahabol pa ng kaibigang namin, “She’s a standout! I asked a few people in the crowd, non-Pinoys and they also think Philippines has a big chance this year.”

E, hanggang top 20 lang si Gazini at in fairness, deserving din naman ni Miss South Africa, Zozibini Tunzi dahil hinangaan siya ng lahat sa sinabi niyang, “I grew up in a world where women who look like me, with my kind of skin and my kind of hair, were never considered to be beautiful. And I think that it is time that it stops today.”

-REGGEE BONOAN