Pista ni San Juan Diego

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

GINUGUNITA ngayong araw, Disyembre 9, ng Simbahang Katoliko ang alaala ni San Juan Diego ang unang indigenous American saint, kung saan nagpakita ang Our Lady of Guadalupe, ang Patron ng Pilipinas, noong 1531 sa Mexico.

Isang misa kaugnay ng pagdiriwang ngayong araw ang isasagawa sa Chapel of San Juan Diego sa South Cembo, Makati City, bilang bahagi ng taimtim na paggunita sa araw ng kapistahan. Ilang alay na misa rin ang gaganapin sa Silay City, Negros Occidental, bilang pagbubugay sa kanilang patron.

Kilala bilang protector at tagapagsulong ng karapatan ng mga katutubo, si San Juan ang ikinokonsiderang mensahero ng Our Lady “to bring the Gospel to the Americas.”

Ayon sa mga kaganapan, nagpakita ang Our Lady of Guadalupe sa kanya sa unang pagkakataon noong Disyembre 9, 1531 sa Teppeyac Hill, (ngayon ay Mexico City) sa Mexico at humiling ng pagtatayo ng simbahan sa lugar ng kanyang aparisyon. Noong Disyembre 12, 1521, ang kanyang imahe ay milagrosong nagpakita sa tilma (woven cloth) ni San Juan, na nagkumbinsi sa mga obispo na tunay ang aparisyon.

Ang Basilica of Guadalupe, na binibisita ng libu-libong mananampalataya taun-taon, ay itinayo sa lugar kung saan unang nakita ang Our Lady.

Hulyo 31, 2002 naman ng ideklarang santo ni Saint John Paul II si San Juan noong Hulyo 31, 2002 sa Mexico.

-CHRISTINA I. HERMOSO