Pinay fencers, kampeon sa team epee

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

HULING hirit si Hanniel Abella sa laban kay Kiria Abdul Rahman para sandigan ang Team Philippines sa 45-38 panalo kontra Singapore para sa gintong medalya ng women’s team epee event nitong Sabado sa 30th Southeast Asian Games sa World Trade Center.

GOLD! Nakiisa sa pagdiriwang ng Philippine Fencing Women’s Epee Team matapos ang kahanga-hangang gintong medalyang tagumpay sina Manila Congressman and sportsman Manny Lopez, House Deputy Speaker Cong. Conrado Estrella, dating POC at Fencing chief Cito Dayrit at Ormoc City Mayor at Fencing chief Richard Gomez. Bilang pagkilala sa galing ng atletang Pinoy, ipinasa ng Kongreso ang pagpapalabas ng P10 milyon mula sa mga suweldo ng lahat ng mga kongresista bilang karagdagang insentibo sa pagsungkit ng atletang Pinoy sa overall championship sa 30th Southeast Asian Games.

Napaluhod ang 26-anyos na si Abella nang kunin ang panalo sa ikasiyam na round at kaagad na sinamahan ng kanyang teammates, officials at supporters sa pagdiriwang para s akanua-unahang team gold ng fencing sa kasaysayan ng biennial meet.

Kasama ni Abella sa epee squad sina Harlene Raguin, Anna Gabriella Estimada at Mickyle Bustos para ipagkaloob sa Team Philippines ang ikalawang gintong medalya mula sa fencing.

Naunang nakamit ni Jylyn Nicanor ang gintong medalya sa SEA Games sa women’s individual sabre, habang nahakot din ng Nationals ang dalawang silver at anim na bronze medal.

“This will be memorable for me. I should have retired but they asked me to come back to help the team. This is a very good exit for me,” pahayag ni Raguin, pinakamatandang atleta sa team sae dad na 36.

“We’re overjoyed because our sacrifices paid off,” ayon kay Estimada. “Some of us took a leave from our work and one of us (Abella) resigned from her job to focus on fencing.”

Ginapi ng Filipinas ang Vietnam sa semifinals, 44-33, habang kumana ang Singapore sa Thailand, 45-37.

Sa men’s team foil event finals, nagwagi ang Singapore kontra Thailand, 13-8.

Nagkasya ang Philippine men’s nina Nathaniel Perez, Shawn Nicollei, Michael Nicanor at Jaime Viceo V sa bronze medal matapos matalo sa Thailand sa semifinals, 40-45.