PH tankers, sumisid pa ng 2 silver medal

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

CAPAS, Tarlac – Nadagdagan ng dalawang silver medal ang kampanya ng Philippine Swimming Team mula kina Fil-Am Chloe Isleta at PH women’s 4×100-meter freestyle relay squad nitong Sabado sa 30th Southeast Asian Games swimming competitions sa New Clark City Aquatics Center.

 

Nailista ni Isleta ang tyempong isang minute at 03.85 segundo sa likod ng gold medal winner Nguyen Thi Anh Vien ng Vietnam (1:02.97), habang bronze ang PInay na si Jasmine Alkhaldi (1:03.85).

Nalagpasan ni Isleta ang siyam na taong PH record na 1:03.69 na naitala ni Dorothy Hong noong 2011 Indonesia SEA Games sa Palembang.

Hataw din ang grupo nina Remedy Rule, Nicole Oliva, Xiandi Chua at Alkhaldi para sa silver medak (3:47.05) sa likod ng powerhouse Singaporean squad (3:40.97) habang pangatlo ang Thailand (3:48.30).

Nabura rin ng Pinay swimmers ang dating national mark na 3:53.57 na nagawa nina Hannah Dato, Roxanne Yu, Elizabeth Ann Jordana at Alkhaldi sa 2015 Singapore SEA Games.

Nakamit naman ni Alkhaldi ang ikalawang silver medal sa women’s 50-meter butterfly (27:09) sa likod ni Singaporean winner Quah Ting Wen (26.50), habang pangatlo si Jenjira Srisa-ard ng Thailand (26.64).