Pagtatampok sa tradisyon at kultura ng probinsiya

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

 

MASISILAYAN ngayon sa apat na sulok ng lalawigang Tarlac ang iba’t ibang pagsasalarawan ng Belenismo na pumupukaw sa damdamin ng mga residente at turista sa panahon ng Kapaskuhan.

DSCN2361 Hall of Fame Awarding SM City Tarlac Belen Entry

Ang Belenismo a y taunang tradisyon sa Tarlac kung saan ang mga ahensiya ng pamahalaan, local government units, simbahan, paaralan at iba pang establisyamento a n g l u m i l i k h a n g p a g s a s a l a r a w a n s a pagsilang ni Hesukristo.

Nasa ika-12th taon na ngayon ang paggunita sa Belenismo. Sa pagkakataong ito ay nakamit ng SM City Tarlac ang ‘ Hall of Fame’ sa Tarlac Awards Night bilang Grand Champion award sa ilalim ng Grand Mo n ume n t a l – Non Municipal Category para sa ikatlong sunod-sunod na pagwawagi. May 42- Foot ang Belen na masisilayan sa Tarlac.

Ang event ay dinaluhan ni Depart of Social Wefare and Development Secretary Rolando D. Bautista kung saan ang naging Guest of Honor and Speaker ay si General Noel S. Clemen s a pag-antabay nina Chairwoman ng Tarlac Heritage Foundation Dra. Issa Cojuangco Suntay; Lt. Gen. Ramiro Rei; M/ Gen Bob Daus, at M/Gen Lenard Agustin.

Hawak ngayon ng SM City Tarlac ang Hall of Fame sa tatlong magkakasunod na taon ( 2017, 2018 at 2019 ) sa Belenismo na inorganisa ng Ta r l a c He r i t age Foundation, I n c , na sumisimbolo sa Panginoon na pinagmumulan ng b u h a y , k a l i n i s a n a t karunungan.

Aabot sa 42 entries ang lumahok sa Belenismo at kinakitaan din ng mahusay na paglalarawan ng Belenismo ang Armed Forces of the Philippines sa Camp Aquino, Tarlac City, na lumikha rin ng panibagong atraksiyon sa Belenismo. Ito ay ang korona ng pagpapakasakit ni Hesus na maako ang kasalanan ng Sanlibutan. Naging Hall of Fame din ito sa mga nakalipas na taon.

Ipinagmamalaki rin sa bayan ng Capas, Tarlac ang paglalarawan sa Belenismo kung saan ay isang malaking Anghel ang nagbabantay sa kapanganakan ni Hesukristo sa munting sabsaban. Ang iba’t ibang bayan sa lalawigang Tarlac ay may kanya-kanya ring disenyo sa Belenismo na maituturing na sentro sa turismo.

Maging ang kapulisan sa lalawigang Tarlac ay nakiisa rin sa Belenismo na may kakaibang disenyo sa bawat police station sa ilalim ng superbisyon ni Police Colonel Nicolas David Poklay, Provincial D i r e c t o r n g C amp Macabulos, Tarlac City sa pag-antabay nina Police Major Jim Tayag; Police Lieutenant Colonel Joel Luzung Mendoz a a t iba pang kapulisan sa lalawigan.

Dahi l na t aon ang Belenismo sa South East Asia (SEA) Games ay lalong nagningning ang Tarlac sa paglalarawan ng kultura at tradisyon ng lalawigan.

-Istorya at mga larawang kuha ni LEANDRO ALBOROTE