May tsansa ang Pinoy sa kickboxing – ‘Tol’

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

KABILANG ang kickboxing sa sports na unang nilaro sa paglarga ng 30th edition ng Southeast Asian Games.

BUO ang suporta ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino (ikalima mula sa kaliwa) sa pagangat ng Pinoy sa sports na kickboxing na nagsagawa ng debut competition sa 30th Southeast Asian Games sa Cuneta Astrodome

BUO ang suporta ni Senator Francis ‘Tol’ Tolentino (ikalima mula sa kaliwa) sa pagangat ng Pinoy sa sports na kickboxing na nagsagawa ng debut competition sa 30th Southeast Asian Games sa Cuneta Astrodome

Hindi man makamit ng atletang Pinoy ang inaasam ng gintong medalya, ikinalugod ni Samahang Kickboxing sa Pilipinas (SKP) president Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino ang suportang ibinigay ng International Federation, gayundin ng mga regional association para matagumpay na maidaos ang combat sports na milyon ang tagasubaybay sa buong mundo.

“Actually nagkaroon lang ng last minute decision ang Singapore at iba nating miyembro na mag-pulled out kung hindi 11 team talaga tayo. This is the inaugural competition ng kickboxing sa SEA Games and we’re happy at walong teams ang sumali,” pahayag ni Tolentino.

“We’re trying to lobby na mapasama na rin ang sports sa Asian Games at tingin ko hindi malayong mangyari ito dahil Vietnam ang host sa 2021 SEA Games and with their participation here, tiyak kasama rin sa calendar of sports ang kickboxing sa Ho Chi Mi,” sambit ni Tolentino, isang martyial arts practitioner sa Yaw-Yan discipline.

“Hopefully manalo tayo ng gold dito. Medyo mataas talaga ang pressure dahil kabilang kami sa huling sports na ginawa. Although, we’re sure of the overall championship, siyempre gusto nating may maiambag tayo sa Team Philippines,” aniya.

Nagsimula ang preliminary round para saw along event ng kickboxing nitong Sabado sa Cuneta Astrodome at nakatakda ang semifinals sa Linggo at walong finals competition sa Lunes.

“I’m confident kaya natin. Subsob sa training ang mga atleta natin, Malalakas ang kalaban, pero hindi tayo pahuhuli at tiyak makikipagsabayan ‘yan,” aniya.

Kabilang sa inaasahan ng sambayanan si Internationalist Gina ‘The Conviction’ Iniong, kasama sina Jomar Balangui, Renalyn Dacquel, at Rex De Lara.

“The first day is always scary but if we can hurdle that, we have a good chance,” sambit ni Tolentino.

Sinanay at hinubog ang Nationals nina two-time Olympian Donald Geisler at mixed martial arts ace at Team Lakay coach Mark Sangiao.