Alden maagang pamasko ang handog sa mga bulag

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

LAST Saturday, may mall show si Alden Richards at ang cast ng inspirational drama series niyang The Gift sa CSI Dagupan Mall sa Dagupan City. Nagbigay saya sila roon nina Martin del Rosario, Mikee Quintos, Mikoy Morales at Ysabel Ortega.

Alden

At since nasa Dagupan na si Alden, tumuloy na siyang umakyat ng Baguio City, dahil isa siya sa entourage sa garden wedding ni Kapuso actress Joyce Ching kahapong December 8. Original barkada sina Alden at Joyce na nagsimula noong gawin nila ang Tween Hearts kasama sina Barbie Forteza, Bea Binene, Kristoffer Martin at iba pa.

Pero hindi lamang pala para mag-attend ng wedding ang dahilan ng pag-akyat ng Baguio ni Alden. Isinabay na nila ni fashion designer Avel Bacudio ang pagtupad nila sa pangako sa mga batang bulag sa Benguet na naging beneficiary ng AvelXAlden fashion shows na ang lahat ng proceeds ng pinagbilhan nila during the fashion shows ay donated nila sa mga batang walang paningin.

Pinaaga nga nina Alden at Avel ang Pasko ng mga bata na binigyan nila ng mga jackets at maagang pamasko. Malapit sa puso ni Alden ang mga batang walang paningin dahil nararanasan niya ito sa pagpo-portray niya ng role ng bulag na si Sep sa “The Gift.”

May nagsabi nga na hindi raw bulag ang puso ni Alden. Kinantahan pa ni Alden ang mga bata ng isa sa mga songs niya sa kanyang album, ang I Will Be There na parang nagsasabing “darating siya kung kailangan nila.”

Bumalik din agad si Alden sa Manila after the wedding, dahil may taping na siya ngayong Monday ng “The Gift” at nasa Eat Bulaga din siya today, until sa Thursday, December 12, para sa “12.12 Christmas” ng Shopee, kasama ang mga Dabarkads.

-Nora V. Calderon