Pinoy, angat din sa obstacle courseArchers

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

SA unang pagsabak sa regional tournament, humirit ang Pinoy obstacle masters sa napagwagiang apat na gintong medalya sa obstacle course race ng 30th Southeast Asian Games kahapon sa Filinvest City sa Alabang, Muntinlupa.

NAGPAKITANG Gilas ang Pinoy obstacle masters sa unang pagkakataon na sumabak sa SEA Games. (RIO DELUVIO)

NAGPAKITANG Gilas ang Pinoy obstacle masters sa unang pagkakataon na sumabak sa SEA Games. (RIO DELUVIO)

Nanalo ng gold sina Kevin Pascua sa men’s individual 100 meter x 10 obstacle gayundin si Rochelle Suarez sa women’s division.

Kasama nilang kumopo ng gold medals ang kanilang mixed team assist 400-meter x 12 obstacle at mixed team relay 400-meter x 12 obstacle.

Nanguna si Pascua sa dalawang heats sa finals makaraang magtala ng tiyempong 30.99 at 29.92 segundo ayon sa pagkakasunod upang magapi si Mohd Redha Rozlan ng Malaysia.

Nagwagi naman si Suarez matapos magsumite ng tiyempong 47.02 at 46.70 sa dalawang final heats upang magapi ang kakamping si Milky Mae Tejares.

Inangkin naman nina Kyle Redentor Antolin, Kaizen Dela Serna, Monolito Divina, at Deanne Nicole Moncada ang mixed team assist gold matapos mangibabaw sa dalawang heats sa naitala nilang oras na 3:49.37 at 3:48.35.

Iginupo nila ang Malaysia na nagwagi ng silver sa naitala nilang oras na 4:40.72 at 4:29.28.

Wagi rin ang mixed team relay team nina Diana Buhler, Jeffrey Reginio, Klymille Keilah Rodriguez at Nathaniel Sanchez na naorasan ng 2:00.92 at 1:59.56 matapos ungusan ang Malaysia na nagtala ng 2:05.38 at 2:01.68.

-Marivic Awitan