PHISGOC, approved ang hosting sa SPIA

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

PINARANGALAN ng Sports Industry Awards (SPIA) Asia ang Philippine South East Asia Games Organizing Committee (PHISGOC) sa pag-oorganisa nito ng isang world class na opening ceremonies para sa 30th Southeast Asian Games (SEAG) na naganap noong nakaraang Linggo ng gabi sa Philippine Arena.

Ito ay sa kabila ng samu’t sarin gbatios na nakuha ng nasabing organisasyon buhat sa mga mamayan na gumagamit ng social media bago pa man opisyal na magsimula ang ang nasbain gbiennial meet.

Mismong si SPIA CEO Eric Gottschalk ang personal na nag-abot ng nasabing parangal kina PHISGOC Chairman Alan Peter Cayetano at PHISGOC Chief Operating Officer Ramon Suzara sa ginanap na conference kamakailan sa Grand Hyatt Hotel.

Ikinasiya ni Suzara ang pagkilalang natanggap buhat sa pamunuan ng SPIA at ayon sa kanya na nag pagkilala na ito sa PHISGOC ay isang malaking inspirasyon para sa nasabing foundation na mas lalo pang pagandahin ang hosting ng nasbaing biennial meet sa huling piton garaw nito.

Ang nasabing karangalan ay isa sa mga presitihiyosong parangal na ipinamamahagi sa buong Asya bilang pagkailalasa mga bansa at organisasyon na nagbibigay ng isang magandang sporting event sa palibot ng nasabing kontinente.

-Annie Abad