Casanova Cup susulong na

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TULOY ang Casanova Cup 2019 Rapid Chess Championship sa Disyembre 8 sa Padre Garcia Municipal Gymnasium sa Padre Garcia, Batangas.

Ang 20 minuto plus 5 seconds delay time control format ay hinati sa tatlong dibisyon, non-master 1900 and below, elementary at high school division.

Ang magkakampeon sa non-master 1900 and below ay tatangap ng P5,000 habang tig P1,500 naman ang mapapanalunan sa maghahari sa elementary at high school division.

Kabilang sa mga nauna ng nagpatala ay ang mga mag-aaral ng Holly Family Academy na kinabibilangan nina Julia Aeryelle, Jiosanina Angellie, Jaira Annika, Johann Aristotle Perez at Gail Remo Lina.

Mag call o text kina Juderick Lina (0975-117-1050), Aries Perez (0918-598-4395) at Jeanette Rovelo (0907-850-0411).