Livelihood program para sa mahihirap na probinsiya ng BARMM

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

COTABATO CITY – Bubuo ang Mindanao Development Authority (MinDA) ng isang grupo ng mga eksperto sa agrikultura upang magdaos ng mga lektura hinggil sa livelihood projects sa pinakamahihirap na probinsiya sa katimugang bahagi ng bansa, lalo na ang mga apektado ng kaguluhan, mula Enero, inanunsiyo ni agency Chairman Emmanuel “Manny” Piñol kahapon.

“The experts will teach rural folk on raising backyard native chicken, goat-raising, cattle fattening, vegetable farming and the like,” pagbabahagi ni Sec. Piñol sa kanyang Facebook page.

Ang pagbuo at pagpapadala ng grupo sa ilalim ng MinDA’s Livelihood Opportunities in Villages for Economic Upliftment (LOVE-U) ay napagkasunduan sa isang pulong na idinaos nitong Lunes sa ahensiya.

Kabilang naman sa mga “priority areas” para sa lecture series ang mga probinsiya ng Lanao del Sur, Sulu, Maguindanao at Saranggani, na kabilang sa 10 poorest provinces sa bansa, at ang mga lugar na tinamaan kamakailan ng lindol.

Aniya, kabilang sa “other priority areas” ay ang mga islang probinsiya ng Basilan at Tawi-Tawi na “are being positioned as the sources of supplies needed in the revival of the Barter Trade with Sabah.”

“Late last month, Sabah Chief Minister Mohd Shafie Apdal informed me during a call on him with Asian Development Bank (ADB) Executive Director Paul Dominguez that (his) State needs supply of Halal Beef, Goat Meat, Kampung Chicken (free-ranged native chicken), fruits like Mango and Banana and vegetables because of its growing tourism industry which draws 4-million visitors every week,” ayon sa MinDA chief.

Sumang-ayon naman ang Sabah Chief Minister na makiisa sa mga magsasaka mula Mindanao, lalo na sa tatlong probinsiya, na maaaring magsuplay sa kanila ng mga produkto.

Aniya, bibisita na ang MinDA-led agriculture and trade mission sa Sabah at Sarawak sa Enero para sa follow-up talks hinggil sa posibleng pagbuhay ng “one-way traffic” scheme tulad noon.

Upang matugunan ang kailangan na supply ng lokal at ang prospective Sabah market, magsasagawa ang MinDA ng pagsasanay sa mga agriculture stakeholders, ani Pinol.

Ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay binubuo ng mga probinsiya ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi provinces, kasama ang mga siyudad ng Cotabato, Marawi at Lamitan at ang 63 na barangay sa North Cotabato.

“After the training, they stakeholders will be organized and given production support,” aniya pa.

Makikipagtulungan din aniya ang MinDA sa mga funding partners nito upang masuportahan ang mga magsasaka.

Aniya, layon ng LOVE-U program ng ahensiya na mapababa ang antas ng kahirapan sa bansa at mag-ambag sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.

-Ali G. Macabalang