Polo, asam ang ginto sa SEA Games

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

TARGET ng Philippine national polo team na makapag-ambag sa kampanya ng Team Philippines sa paglarga ng polo event finals ngayon sa 30th Southeast Asian Games sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas.

Kumpiyansa si team captain at Part-list Rep. Mikee Romero na matutuloy pa rin ang mga laro kahit sa banta ng Bagyong Tisoy na inaasahang mananalasa sa Bicol Region at Virac, Catanduanes ngayong araw.

“We’re praying that it will not rain so hard here so we can start our event. We’re all excited to play,” sabi ni Romero.

Ayon kay Romero kung sakaling malakas ang ulan at hindi puwedeng ipagpapatuloy ang mga laro, ipagpapaliban hanggang bukas ang nasabing event at ang finals ay gaganapin sa Linggo.

Ang ibang mga miyembro ng koponan na sina Coco Garcia, Nicole Eusebio, Jam Eusebio at Santi Juban ay handang-handa na para sungkitin ang gintong medalya at bumawi sa kanilang talo sa Malaysia, 4-6, noong nakaraang Linggo.

“Everybody is determined to contribute to the country’s bid to win the overall championship and we are all inspired after the explosive first day,” dagdag ni Romero.

Isinagawa kahapon ang draw kaya pinaghandaan ng Team Philippines ang kahit sino man ang makaharap nito,” ayon pa kay Romero.

Bukod sa Malaysia, ang ibang malalakas na koponan ay ang Indonesia at powerhouse Brunei nina Prince Jeffri at Prince Qawi na kapwa mga miyebro ng Brunei’s royal family.