Patricia Javier Walcher, kinoronahang Noble Queen of Universe 2019

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG aktres na si Patricia Javier Walcher ang kinoronahang Noble Queen of the Universe 2019 sa ginanap na inaugural pageant sa Centennial Hall of the Manila Hotel nitong Lunes ng umaga.

Winners ng 'Noble Queen 2019'

Tinalo ng crowd favorite na si Javier na kumatawan sa Philippines (Luzon) ang 19 na iba pang kandidata para sa titulo.

Kabilang naman sa mga nagwagi sa patimpalak sina: Jill Chapman, USA (West Coast), Noble Queen Earth; Maria France Imelda Papin Carreon Philippines (Bicol), Noble Queen International; Anna Rabtsun Baylosis (Russia), Noble Queen Tourism; at

Beau Singson Villanueva (Australia), Noble Queen Globe.

Kinilala rin sina Walcher at Baylosis bilang Darlings of the Press bago pa ang naging grand coronation night.

Nakuha naman ni Ritchell Catt (Guam) ang first runner-up habang si Sylvia Kim (Korea), ang nag-uwi ng 2nd runner-up.

Kasal si Patricia sa chiropractor na si Robert Walcher. At may dalawa silang anak.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sumali ang aktres sa

beauty pageant. Una na itong sumabak noong 1998 sa Binibining Pilipinas.

Dati ring bahagi si Patricia ng youth-oriented show na That’s Entertainment kung saan niya ka-batchmates sina Isko Moreno ngayon ay Manila mayor at ang actress-entrepreneur na si Ara Mina.

Ang Noble Queen of the Universe pageant ay naglalayong lumikha ng isang “compassionate society and to create opportunities for ladies to promote their noble culture to a global audience while celebrating their uniqueness, talent, and beauty. “

Isa rin itong fund-raising activity para sa mga proyektong tutulong sa mga ulila at mahihirap. “It will empower women to initiate change in the society through collaboration and friendship.”

-ROBERT R. REQUINTINA