Daniel Padilla, Glaiza De Castro big winners; ‘Goyo’ hataw sa best picture

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BIG winner sina Daniel Padilla at Glaiza de Castro, nakaraang makamit ang top acting awards sa katatapos lamang na 37th Luna Awards nitong weekend.

Glaiza Paulo

Wagi si Daniel, bilang best actor para sa kanyang pagganap sa 2018 box-office hit na The Hows Of Us, kung saan kasama nitong bumida ang kanyang real life girlfriend, na si Kathryn Bernardo.

Tinalo ni Daniel ang mga batikang aktor kanilang sina Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset), Dingdong Dantes (Sid & Aya), at Christian Bables (Signal Rock) para sa nasabing titulo.

Habang wagi naman si Glaiza, bilang best actress sa kanyang pagganap bilang miyembro ng New People’s Army sa pelikulang Liway.

Nakalaban ni Glaiza sa titulo sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Ai Ai delas Alas (School Service), Anne Curtis (Sid & Aya) at Agot Isidro (Changing Partners).

Best director naman si Chito S. Roño para sa Signal Rock, habang wagi ang Goyo: Ang Batang Heneral, pinagbidahan ni Paulo Avelino, bilang best motion picture.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi:

Best Editing:

Chuck Gutierrez (“Liway”)

Best Musical Score

Jerrold Tarog (“Goyo: Ang Batang Heneral”)

Best Cinematography

Neil Daza (“Gusto Kita with All My Hypothalamus”)

Best Production Design

Maolen Fadul (“Gusto Kita with All My Hypothalamus”)

Best Sound

Albert Michael Idioma and Alex Tomboc (“Goyo: Ang Batang Heneral”)

Best Screenplay

Zig Dulay and Kip Oebanda (“Liway”)

Best Supporting Actress

Daria Ramirez (“Signal Rock”)

Best Supporting Actor

Arjo Atayde (“Buy Bust”)

Best Actress

Glaiza de Castro (“Liway”)

Best Actor

Daniel Padilla (“The Hows of Us”)

Best Director

Chito Roño (“Signal Rock”)

Best Motion Picture

“Goyo: Ang Batang Heneral”

Special Awards:

Fernando Poe, Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Award

Lily Monteverde

Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements

Nova Villa

Lamberto Avellana Memorial Award

Director Wenn Deramas

Director Soxie Topacio

-REGINA MAE PARUNGAO