Catriona nag-goodbye na sa Miss U apartment sa NY

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

IBINAHAGI ni outgoing Miss Universe Catriona Gray sa kanyang Facebook page ang larawan niya kasama ng kanyang mga maleta habang nagbahagi ng goodbye message sa kanyang naging tahanan sa New York City sa loob ng halos isang taon.

Catriona

“ATLANTA here we go! This is also my official goodbye to New York! Feeling super sentimental about it all! I walked into this lobby in these exact boots earlier this year, now we’re 9 days away from welcoming a new queen! Join me for one last trip as your reigning #MissUniverse?” post ni Catriona.

Mayroon na itong higit 31,000 reactions at may share na mahigit 800 times.

Sa isa pan FB post sinabi naman ni Cat na: “Will forever remember the year I called this concrete jungle, home. Thank you, New York.”

Nakatakdang ipasa ni Catriona ang korona sa 2019 Miss Universe ngayong Disyembre 9, 2019 sa Atlanta, Georgia, USA.

-Rizal Obanil