Apl.de.Ap, may sagot sa kumuwestiyon sa kanyang pagka-Pilipino

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

ANG asawang si Isay Alvarez ang sumagot sa mga nang-okray kay Robert Seña kung bakit ang stage actor/singer ang opening sa Opening Ceremony ng 2019 SEA Games. Lalo na ang comment ni Raisssa Robles na “parang hindi bagay na si Robert Seña ang umawit ng kay ganda ng Pilipinas. Ito kaya yung dapat na si Lea Salonga? Sana kinuha nila baritone na lang.”

Apl.de.Ap

Sagot ni Isay na obvious nang-aasar, “ang lakiiiii ng staaaaggggeee at mag-isa nyang binati ang mga delegado…but #raisarobles thinks otherwise (wow naman ale!!)”

Sinagot naman ni Apl.de.Ap ang comment pa rin ni Raissa na hindi Pinoy si Apl.de. Ap, Amerikano na raw ito. Ipinarating ito kay Apl. de.Ap na ang sagot, “Let the haters continue to hate, we’re here as a country to motivate and elevate.”

Paano ‘yan at si Apl.de.Ap pa rin at mga kasama sa Black Eyes Peas na sina will.i.am at Taboo ang magpi-perform sa Closing Ceremony ng 20019 SEA Games kasama si Arnel Pineda?

-Nitz Miralles