Bazaar City sa Cainta para sa Christmas shoppers

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

TRAPIK ang biyahe. Siksikan at kailangang makipag-agawan sa sasakyan. Kung may sarili namang service, problema rin ang parking space at siyempre ang mataas na parking fee. Kailangang bunuin ang lahat ng ito para makapamili sa tamang oras bago ang pinakahihintay na araw ng Pasko.

bazar

May on-line shopping na rin, ngunit iba pa rin na personal na nakikita ang nais na produkto para maging pang-regalo sa ating mga kaibigan, katropa, officemate at mahal sa buhay.

Isang alternatibo ang Bazaar City ng Fessenden Holdings — ang pinakabagong development area sa east side ng Metro Manila — na magbubukas ngayon sa GMC compound sa Felix Avenue, Cainta Rizal (malapit sa SM Hypermart).

Magbubukas ang Bazaar City ganap na 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

Kabuuang 1,000 tindahan mula sa de kalidad na mga damit, sapatos,  fashion items, accessories, electronics, furniture, gadgets, at iba pang ang nakiisa para matugunan ang pangangailangan ng bawat isa sa kanilang planong shopping spree. Sa lawak na 5-ektarya, wala na ring alalahanin sa parking area.

Magaan din ang biyahe dahil malapit ang Bazaar City sa mga accessible roads at transport area via Ortigas, Pasig at Marikina. mas mahaba rin ang oras ng pagbubukas ng Bazaar City taliwas sa mga pangkaraniwang malls.

“This is like an open market community, a better version of the tiangge. The best thing about the place is the space. There is a convenient and safe parking space since the complex is privately owned. Further, we want families to come not just to shop but really have quality time together, so we have a recreational park right beside the shopping complex so that the family can enjoy different activities while being in one place,” pahayag ni Mr. Cesar Avila, Project Director.

Matatagpuan din sa Bazaar City ang iba’t ibang pagkain at pampalamig na papawi sa hapong katawan. Para sa lahat ang Bazaar City na siniguro na katiwasayan at komportableng pamimili ng mga shoppers, maging weekend.

“We can guarantee low priced items compared to other pop-up bazaars only because our monthly rental rate was pegged at a minimum to help the sellers grow their business because we know that we can grow with them too,” pahayag ni Avila.

Para sa karagdagang impormasyon, buksan ang website https://bazaarcity.ph/ at  official Facebook page https://www.facebook.com/bazaarcityph/.