Maraming paraan para matuto, hindi lamang sa homework

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

MULING idiniin ni Education Secretary Leonor Briones ang kanyang paninindigan laban sa pagbibigay ng homework o takdang aralin – idiniin na mayroong “other other ways” para matuto ang mga estudyante.

Binanggit ni Briones, sa press conference kamailan, ang kanyang personal na pananaw sa pagbibigay sa mga estudyante ng homework. “Based on my experience, much of what I have learned in life did not come from doing homework,” aniya. “Much that I have learned in life – not just in school – did not come from homework,” dagdag niya.

Ibinahagi ni Briones na noong siya ay estyudyante hindi nagbibigay ng homework ang kanyang mga guro at “we managed anyway” at natututo ng maraming bagay nang walangh homework. “I went through life without very much homework – whatever I learned, I learned on my own,” aniya. “If you are interested in learning, you will study on your own, it does not have to be required and there are children who study with or without homework,” giit niya.

Nakasaad sa kasalukuyang polisiya ng Department of Education (DepEd) na dapat ay wala nang homework sa weekends. Sa paglabas ng “Guidelines on Giving Homework or Assignment to All Public Elementary School Pupils,” o mas kilala bilang DepEd Memorandum No. 392, series 2010, muling idiniin ng DepEd ang pangako nito sa “holistic development of learners inside and outside the classroom.”

Nilalayon ng nasabing kautusan na ang mga mag-aaral ay magkaroon ng “more quality time with their parents, family, and friends by limiting the homework/assignment to a reasonable quantity on school days and by eliminating the same during weekends.”

Nilinaw naman ni Briones na ang kanyang personal stand sa homework ay hindi nangangahulugan na ito rin ang pananaw ng buong Education Department.

“I have to clarify that there’s a difference between my position on homework and that of DepEd,” ani Briones. “DepEd has not formulated its position on homework because we are still conversing about it,” dagdag niya.

“There are those who believe that maybe homework can only be imposed for particular subjects – the so-called subjects but definitely, there’s no homework on weekends – that is already an existing policy because so the learner can bond with his or her parents,” ani Briones,

-Merlina Hernando-Malipot