Livelihood at financial training para sa mga biktima ng lindol

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

MAGSASAGAWA ang Mindanao Development Authority (MinDA) ng capability training para sa financial management and livelihood opportunities para sa mga biktima ng lindol sa Davao Region at Cotabato sa pamamagitan ng MinDA Tienda project.

Ayon kay MinDA Secretary Emmanuel Piñol, bubuo ang ahensiya ng isang post-disaster intervention project na tutulong sa mga biktima ng lindol na maging “self-reliant and independent” habang bumabangon sa trahedya ng lindol.

“The relief assistance and dole outs won’t last for long,’’ ani Piñol.

Dagdag pa niya, mas mahaba ang magiging epekto ng lindol sa buhay ng mga biktima lalo na para sa mga napilitang lisanin ang kanilang komunidad.

Matapos ang capability training, bubuo naman umano ang ahensiya ng mga samahan at kooperatiba.

Pagbabahagi pa ni Piñol, nakatakda rin silang magtayo ng MinDA TienDA sa unang bahagi ng 2020 sa mga lugar na naapektuhan ng lindol na pamamahalaan ng mga biktima.

“This new advocacy that MinDA is introducing could be the first of its kind in the history of post-disaster interventions in the country,” saad ni Piñol.

Ang mga MinDA TienDA outlet ay magsisilbing bantayog ng katatagan ng mga Pilipino sa gitna ng mga sakuna at kalamidad.

Hihingin din ng MinDA ang suporta ng mga development partners sa pagbibigay ng pondo bilang kapital sa pagbubukas ng operasyon ng mga MinDA TienDA outlet.

Unang itinayo ang MinDA TienDA sa North Cotabato nitong nakaraang buwan. Na uusad sa Davao del Sur ngayong buwan, partikular sa bayan ng Bansalan at sa Digos City.

PNA