Sa sobrang aga ni Kris sa korte, inabutan ang flag ceremony

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

HINDI na talaga naamoy ng media ang pagpunta-punta ni Kris Aquino sa korte ng ilang beses na para sa kaso niya sa magkapatid na Nicko at Atty.Jesus Falcis dahil usapan nilang hindi na lalabas kung anuman ang napagkasunduan nila.

Kris, Bimby, Josh with Friends

At talagang sinadya ring maaga na ang hearing, 8:30AM para wala pang masyadong tao siguro sa lugar base na rin sa post ni Kris sa kanyang Instagram nitong Lunes ng umaga.

Aniya, “I was up 5 AM (had to be in QC Court before 8:30 AM, was early enough para sabayan silang mag flag ceremony, IT’S ALL GOOD.”

Naaliw kami kasi tiyak na maraming nagulat na nakasabay ng mga empleyado ng Quezon City Hall sa flag ceremony ang nag-iisang Queen of Social Media.

At ang isa ay kinilig pa sinabing suwerte ang araw niya.

Mula kay @marites.terrado, “Today is one of my lucky days coz I saw u kanina sa QC Hall of Justice and you were super nice! When I said Hi, Kris! You greeted me back. I was so kilig! Thank u so much! You are so beautiful and slim. God bless u and your family.”

Anyway, pagkatapos ng court appearance ay dumiretso si Kris kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby sa isang photo shoot para sa bagong endorsement nitong Owndays na kaliwa’t kanan ngayon ang puwesto sa lahat ng malls sa Metro Manila at karatig bayan.

Caption ni Kris sa mga litratonng pinost niya sa IG, “The 2 boys and I had a shoot thanks @owndaysph for making it easy because sa inyo talaga galing LAHAT ng glasses ng boys & I had all my lenses changed by them even before they got us to be part of their #family. We had our eyes checked, tumaas na naman my astigmatism & nearsightedness, holding steady ‘yung progressive.“The 2 got glasses w/ coated, ultra thin lenses meant to protect their eyes from the “blue light”from their gadgets. Kuya and Bimb had their glasses ready 20 minutes after their eye exam, special order for me, my lenses are coming from Japan, so it’s about 10 working days. (side note- the owner/boss of Owndays is someone I met when he was 16, way before Bimb was born and he’s now married and in charge of their current 48 branches #unreal).”

Dagdag pa ni Kris. “HOW WAS YOUR MONDAY? #love that was my @krislifekit lip shade for today: tip when you need to look alert and alive but feel so ready to fall asleep wear bright red lipstick.”

Samantala, umani naman ng 24.8K likes at 284 positive comments ang mga litratong pinost ni Kris na nagsasabing masaya sila dahil blooming siya pagkatapos nang dalawang linggong bakasyon sa Amerika.

Napansin ang maganda niyang buhok ni @vivianddanao, “Love your hair btw Ms Kris, did you dye it pure black? Looking fresh.”

Sinagot ni Kris ang follower niya, “@viviandanao I can only use organic hair color- @jonathanvelasco_mixes 2 very dark brown shades.”

At dahil matagal na nagpahinga si Kris dahil na rin sa payo ng kanyang doktor kaya isa-isa niyang binabalikan ang mga produktong ini-endorse niya para i-shoot na talagang hinintay siya.

-REGGEE BONOAN