Paskong kutitap sa Firefly LED Lights

Filed under Balita, Features Balita RSS RSS Feed

AMOY Pasko na. At muli, busy na si Nanay sa pagsasaayos ng Christmas Tree at palamuti para sa kumukuti-kutitap na Kapaskuhan. Ngunit, ligtas ba ang mga gagamiting pailaw?

Para sa walang alalahaning paghahanda sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, nasa merkado ang  Firefly LED lights.

CHAN: Patotoo sa Paskong masaya ng Firefly LED.

CHAN: Patotoo sa Paskong masaya ng Firefly LED.

Kamakailan, sa pangunguna ng pamosong ballader and Christmas song icon na si Jose Mari Cha, pinaliwanag ng Firefly LED kamakailan ang 71-foot Christmas tree sa SM By the Bay sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa Pilipinas lamang ipinagdiriwang ang Pasko sa pinakamahabang pamamaraan at walang hihigit sa masayang pagsasama-sama sa ilalim ng liwanag ng ilaw at palamuti.

“I am very honored to be Firefly LED’s first ambassador. Firefly LED makes Christmas even better because a safe Christmas is indeed a happy Christmas,” pahayag ni Chan.

Mismong si Chan at nagpatotoo sa tibay at ginhawa gamit ang Firefly LED Christmas Lights.

“Firefly has lights for every household need, and its standard LED bulbs range is safe for the eyes, as certified by TÜV-SÜD, a world-renowned German testing institute. We are very happy to be working with Jose Mari Chan, who is a revered Christmas icon in the Philippines,”pahayag ni  Erik Riola, Marketing Director of Firefly Electric and Lighting Corporation.

Tampok ang temang “Home for the Holidays”,matutunghayan ang liwanag at kutittap ng

Firefly LED Bright Christmas Lights sa MOA na tatagal hanggang Enero 2020.

Bukod sa SM By the Bay, sinindihan din ang Firefly LED sa  75-ft Christmas tree sa SM North Edsa sa temang “Frozen”, gayundin ang parol-inspired tree sa Ayala Cebu, at indoor Christmas Tree sa Robinson’s Tagum.

 

“Firefly’s Christmas lights come in warm white, white and RGB (red, green and blue). The Christmas lights prices range from P439 for the 90 LED bulbs, 6-meter, steady-on string lights, to P2,499 for the curtain lights with 400 LED bulbs and with a blinking night sky effect” pahayag ni Christine Reyes, Assistant Brand Manager ng Firefly LED.