PH Women’s baseball squad, impresibo sa debut

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

UNANG koponan. Unang sabak sa international scene. Unang panalo para sa Philippine women’s baseball team.

SA kauna-unahang pagkakataon, nagbuo ng Women’s Baseball Team ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) at sa unang sabak sa international game, ginapi ng Nationals ang HongKong, 12-3, sa opening game ng II BFA Asian Women’s Baseball Tournament sa Zhongshan, China. Ipinahayag ni PABA president Chito Loyzaga na sunod na haharapin ng Ph Team ang Korea Linggo ng umaga sa Panda Stadium.

Impresibo ang Nationals sa kanilang debut sa torneo sa abroad at sa pangunguna ng mga dating soft ball players na sina Esmeralda Tayag at Wenchi Bacarisas, nagapi ng Philippines ang Hong Kong, 12-3, sa opening game nitong Sabado ng Baseball Federation of Asia-2nd Women’s Baseball Asian Cup sa Zhongshan, China.

Sa report ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga, impresibo ang kampanya ng Pinay batters sa unang pagsabak sa eight-team, two-group competition na isang qualifying tournament para sa 2020 World Women’s Baseball World Cup.

Liyamado sa torneo ang top seed Japan, host China, No. 5 India at No. 6 Pakistan sa Group A.

Kasama ang Philippine Team sa Group B ng second seed Chinese-Taipei, third seed Korea at fourth seed Hong Kong.

Sunod na haharapin ng Filipinas ang South Korea ganap na 10 a.m. nitong Linggo sa Panda Stadium.

Batay sa format, ang mangungunang dalawang koponan sa bawat grupo at uusad sa semifinal, habang ang bottom two teams ay maglalaban sa consolation pool.