NU spikers, lumapit sa UAAP volley title

Filed under Volleyball Balita RSS RSS Feed

NAISALBA ng defending champion National University-Nazareth School ang matikas na pakikihamok ng para sa 25-21, 20-25, 25-19, 25-18 panalo kontra top-seeded Far Eastern University-Diliman sa Game One ng kanilang best-of-three finals nitong Linggo sa Filoil Flying V Centre.

AKSIYONG umaatikabo ang nasaksihan sa Game One ng UAAP men’s volleyball finals.

AKSIYONG umaatikabo ang nasaksihan sa Game One ng UAAP men’s volleyball finals.

Target ng Bullpups na maselyuhan ang panalo sa November 17, 10:30 am, sa parehong venue.

Nanguna si Michaelo Buddin sa NU sa nasibak na 17 puntos, 13 spikes at apat na blocks, habang tumipa si Arvin Bandola ng 16 puntos at 11 excellent receptions .

“Pinaghihirapan talaga namin ito bawat practice, kapag nagrerelax sila, nireremind ko sila, kasi may attitude sila na bumibigay eh, kaya pinipilit ko sila ngayon na focus lang sa ensayo in any ways, pati sa pagpapahinga, pati sa pagkain, nireremind ko sila,” pahayag ni NU coach Edgar Barroga.