Hindi magandang habit

Filed under Dear Inang Mahal Balita RSS RSS Feed

DearManay Gina,

Inaamin kong may pagka-delikado ako. Pero, bakit may mga taong binabasa ng laway ang daliri kapag nagbubuklat ng mga papeles?

Hindi kasi ako komportable na nilalawayan ang mga papeles lalo na kung ito ay para sa akin.

Ano kaya ang magandang paraan para sabihin sa ka-opisina ko na hindi maganda ang ganoong habit?

Loyal Reader

Dear Loyal,

Sa mga tindahan ng school supplies, may nabibiling maliliit na basang sponges para sa ganyang purpose. Bakit hindi mo hilingin a boss mo na maglaan ng ganoong gamit sa inyong opisina? Bukod sa mura ay napaka-useful pa nito.

Kung wala naman ito, magalang mong sabihin sa ‘yong ka-opisina na ihinto ang ganoong gawi. That habit is only acceptable when you eat French fries.

Nagmamahal,

Manay Gina

“Hygiene is two-thirds of health.”—–Lebanese Proverb

Ipadala ang tanongsa dearmanaygina@yahoo. com

-Gina de Venecia