UST, wagi sa FEU sa stepladder round; hahamunin ang No.2 UP

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

NALAGPASAN ng University of Santo Tomas ang unang balakid sa target na maging challenger ng Ateneo sa UAAP men’s basketball title.

NAWALAN ng kontrol ang player ng UST nang hablutin sa kanya mula sa likod ang bola ng karibal na Far Eastern University sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP stepladder match sa men’s basketball. (RIO DELUVIO)

NAWALAN ng kontrol ang player ng UST nang hablutin sa kanya mula sa likod ang bola ng karibal na Far Eastern University sa isang tagpo ng kanilang laro sa UAAP stepladder match sa men’s basketball. (RIO DELUVIO)

Sa pangunguna ni Season 82 MVP Soulemane Chabi So, nagsalansan ng career best 25 puntos, 11 rebounds at tatlong assists, pinataob ng Growling Tigers ang Far Eastern University Tamaraws, 81-71, nitong Miyerkoles sa stepladder semifinals sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-ambag si Brent Paraiso ng 18 puntos mula sa 5-of-9 shooting sa three-point area, tampok ang krusyal na tira sa huling 17 segundo ng laro.

Haharapin ng Tigers ang No.2 seed University of the Philippines sa Linggo para sa karapatan na hamunin ang naghihintay na defending champion Ateneo Blue Eagles sa best-of-three Finals.

“Nothing comes easy. Walang madali eh,” pahayag ni coach Aldin Ayo. “Right from the start ng season namin, talagang mahirap eh. Itong laro na ito akala namin madali, pero FEU yung kalaban namin eh at hindi basta basta bibigay ito,” aniya.

Mainit ang shooting ng Growling Tigers sa kaagahan ng lato sa natipang 6-of-12 para sa 15-4 bentahe.

Naisara ng UST ang halftime sa 54-28 bago tuluyang lumayo sa 57-31 sa kaagahan ng third period.

Ngunit, nakabalikwas ang Tamaraws at natapyas ang bentahe sa 70- 65 may 6:37 ang nalalabi sa final period.

Sa kabila nito, nagpakatatag ang Growling Tigers tungo sa panalo.

Iskor:

UST (81) — Chabi Yo 25, Paraiso 18, Subido 14, Abando 9, Nonoy 6, Huang 4, Bataller 3, Cansino 2, Ando 0, Concepcion 0, Cuajao 0.

FEU (71) — Tuffin 20, Gonzales 11, Cani 10, Ebona 9, Comboy 8, Torres 8, Tchuente 5, Alforque 0, Bayquin 0, Bienes 0, Stockton 0.

Quarterscores: 26-16, 54-28, 70-56, 81-71.