TYR Cup Invitational sa Vermosa

Filed under Balita, Sports, Uncategorized Balita RSS RSS Feed

INIIMBITAHAN ng Swim Pinas at Philippine B.E.S.T ang mga swimming club, group, school at association, gayundin ang  mga swimming enthusiast na lumahok at makiisa sa gaganaping 1st TYR Cup Invitational Meet sa Sabado (Nov. 9) sa Vermosa Sports Hub sa Cavite.

SINA Swim Pinas standout at TYR Ambassadors Jordan Ken Lobos at Julia Ysabelle Salazar-Basa (kaliwa).

SINA Swim Pinas standout at TYR Ambassadors Jordan Ken Lobos at Julia Ysabelle Salazar-Basa (kaliwa).

Bukas para sa lahat ang torneo na isinusulong bilang pagpapatibay sa samahan ng mga batang swimmers at pagpapaunlad ng grassroots sports program sa bansa.

Paglalabanan sa torneo – gagamitin din bilang 4th B.E.S.T. Swim Challenge at  5th Swim League Philippines Series – ang long course Class A, B, C at Motivational — ang Pre-Qualifying Leg for Malaysian International Swim Fest.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Swimming Pinas Facebook.