Morissette, naging nega ang dating sa fans

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BIGLANG naging negative ang dating ng singer na si Morissette Amon dahil sa ginawa nitong pagwo-walk-out ‘umano’ sa isang birthday concert ng baguhang singer na si Kiel Alo nitong nakaraang Miyerkules na ginanap sa Music Museum.

Morissette

Kumalat ang isyu at maging ang Asia’s Songbird, Regine Velasquez na malapit sa singer ay nahingan ng payo na naging sentro ng usap-usapan sa ngayon.

Ani Regine, “Alam mo, hindi ko alam kung anong nangyari so it’s very hard for me to comment kasi wala ako talagang… I have no idea, actually.”

Asam ni Regine para sa nakababatang singer, “I hope that she’s okay. I hope that… you know, sometimes, gano’n talaga, may pagdadaanan ka. I hope that God will give her the strength para mapagdaanan niya nang tama ito. Kasi ang hirap kasi ang bata pa niya.

Ang nasabing pagwo-walk-out ng singer ay bunsod umano ng naging panayam ng ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual bago ang concert, nang kamustahin nito ang relasyon sa nakaalitang ama na si Amoy Amon.

Matatandaan na pinag-usapan noon sa social media ang naging pagtutol nang ama ng singer sa pakikipag-relasyon nito sa nobyo na si Dave Lamar.

Sa panayam ng press kay Kiel, idinetalye nito ang tila naging dahilan ni Morissette sa biglaang pag-back out sa concert.

“Ang sabi lang naman po ni Sir Mario [Dumaual] ‘Kamusta kayo ng tatay mo?’, pero ‘yun nga pero siguro the right term would be hurt, na-hurt siya, ang term lang naman po ba ginamit ni Sir Mario, ‘di bale, Hindi naman matitiis ng isang ama ang kanyang anak’, tapos ayun, akala ko okay na,” ayon kay Kiel.

-ADOR V. SALUTA