Mayor Isko, sali sa MMFF movie ni Coco

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

KINUMPIRMA ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang pagbabalik-pelikula sa pamamagitan ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, isa sa mga MMFF entry na pinagbibidahan ni Coco Martin at ipapalabas sa December 25, kaugnay ng taunang festival.

Mayor Isko

Bagama’t cameo role lang ang partisipasyon ni ‘Yorme’ (palayaw kay Mayor Isko), marami na ring nananabik sa kanyang pagbabalik-wide screen.

Nag-umpisa ang espekulasyong makakasama ni Yorme si Coco no’ng magkaroon sila ng meeting ilang buwan na ang nakakaraan. Nai-post sa socmed ang pag-uusap nilang dalawa noong September 4.

Coco posted his photo with Isko and wrote in his caption, “Malaki ang paghanga ko sa taong ito!!!

Kaugnay naman sa panayam kay Isko sa TV Patrol last Wednesday, November 6, sa Christmas Tree lighting event in Manila Hotel, muling kinumpirma ni Isko na siya’y kabilang sa pelikula.

Ayon kay Isko, gaganap siya bilang mayor sa nasabing pelikula.

Pahayag niya, “I’m grateful to Mr. Coco Martin and the staff. They included me in the movie.”

Sinabi rin ni Isko na ang matatanggap niyang talent fee sa pelikula ay ido-donate niya sa Philippine General Hospital para sa mga kabataang may cancer.

“Sabi ko sa kanila, ibigay nila sa PGH [Philippine General Hospital] yung yadba [bayad] nila sa akin.”

Bukod kina Isko at Coco,makakasama rin sa 3pol Trobol ang mga Kapuso stars na sina Ai Ai delas Alas and Jennylyn Mercado.

-Ador V. Saluta