Masarap walang kaaway -Marian

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

“MAS masarap ang walang kaaway,”sagot ni Kapuso Primetime Queen at ang Face of Beautederm na si Marian Rivera, sa mediacon ng muli niyang pagpirma ng kontrata sa harap ni President and CEO Rhea Anicoche Tan ng Beautederm Corporation at sa manager niyang si Rams David, na ginanap sa Luxent Hotel last Thursday, November 7.

Marian

Naitanong kasi kay Marian ang muli nilang pagkakasundo ng dati niyang manager na si Popoy Caritativo. Inamin ni Marian sa interview after the mediacon na naging daan din si kapwa Kapuso actor na si Dennis Trillo, isa rin sa talents ni Popoy, para muli silang magkausap ng dating manager.

“Syempre, kasama rin ang dasal ng ilang taon,” nakangiting sagot ni Marian. “Kailangang maghintay ng tamang panahon, na sabi nga ni Popoy, ‘pagkakataon na para mag-heal yung mga bagay-bagay. Basta ang masasabi ko lamang mahal ko siya mula noon hanggang ngayon. Kung ano ako ngayon, utang ko sa kanya na di ko malilimutan habang nabubuhay ako.”

Napanood din sa Sunday PinaSaya last Sunday na nagbatian at nagyakap din sila ni Lovi Poe, na matagal na rin hindi sila nakikitang magkasama.

“Wala kaming away ni Lovi, siguro hindi lamang nagkaroon ng chance na magkasama kami. May mahihingi pa ba ako, may asawa at dalawang anak na ako, at nagpapasalamat ako sa patuloy na blessings na dumarating sa akin at sa family ko.”

Ang Reverie by Beautederm Home ay ginawa in collaboration with Marian, na exquisite line of home scents – from soy candles to room and linen sprays. Lahat ng mga scents ay katulong si Marian ng Beautederm at kapag approved na niya, itutuloy na nila ang paggawa nito.

“Beautederm Home is like a family to me,”sabi pa ni Marian. “Kaya sa muling pagri-renew ko ng contract sa kanila, nagpapasalamat ako sa trust nila sa akin.”

Ayon kay Ms. Rhea, simula nang maging endorser nila si Marian last year, nag-triple ang kanilang sales. Sa ngayon daw, aabot na hanggang sa December, 2019 ang 100 physical stores nila sa buong bansa. Mayroon na rin sila sa Singapore at soon, sa New Zealand. naayos na rin daw nila ang paglalagay nila ng stores sa Europe. Dagdag pa ni Marian, ang Mama Amalia niya ay kasalukuyang nag-aaral kay Ms. Rhea para sa pagtatayo nito ng sariling store.

May limang scents ang Reverie Line of Beautederm Home, ang Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time to Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucaluyptus Scent) and Rest of & Relaxation (Lavender Scent).

Ang paborito ni Marian ay ang Into The Woods at ang asawang si Dingdong ay gusto naman ang Rest & Relaxation.

-NORA V. CALDERON