Letran vs Lyceum sa NCAA playoff

Filed under Basketball, Sports Balita RSS RSS Feed

 

MAKAMIT ang karapatang hamunin ang undefeated at reigning 3-time titlist San Beda College ang nakatakdang pag-agawan ng second seed Lyceum of the Philippines University at No.3 rank Colegio de San Juan de Letran sa huling stepladder semifinals match ngayon sa NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament.

Magtutuos ang Pirates at ang Knights ganap na 4:00 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Nabuhay ang kampanya ng Knights na makausad sa championship round nang pabagsakin ang Mo.4 rank San Sebastian College Stags, 85-80, nitong Martes sa first round ng playoffs.

Tatangkain ng Pirates ni coach Topex Robinson na muling umusad ng finals sa ikatlong sunod na pagkakataon sa pangunguna ng kambal na sina JC at JV Marcelino, Reymar Caduyac at foreign slotman Mike Harry Nzeusseu.

Sa kabilang dako, sisikapin naman silang hadlangan ng Knights sa pangunguna nina big men Larry Muyang, Jeo Ambohot at Ato Ular kasama ng mga graduating guards na sina Jerrick Balanza at Bonbon Batiller.

-Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

4:00 n.h. — Letran vs Lyceum