Jo Berry, may dalang suwerte

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

BUKOD sa pagsusuot ng kulay pula at eksenang umuulan ay may ilang producer ang naniniwalang may dalang suwerte ang pagtatampok sa ‘little people” sa pelikula.

Jo

Sa kaso ni Jo Berry sobrang mapalad siya sa mga pagbabagong nangyari sa buhay niya. Malaking tulong ang dala ng showbiz sa kanyang pamilya at nagsilbing inspirasyon ng mga “little people” na tulad niya.

Kahit sa panaginip ay hindi niya inakalang pasukin ang showbiz at makatrabaho sina Nora Aunor (Onanay) at Alden Richards sa The Gift.

Umani si Jo ng good reviews sa makatotohanang pagganap sa ‘Onanay’ na ipinapalabas sa Dominican Republic with the Spanish title ‘El Amor Mas Grande”. Pasado rin ang kanyang touching portrayal as foster mother ni Alden sa ‘The Gift’.

Ayon kay Jo, never niyang kinaawaan ang sarili dahil lahat tayo ay nilikha with a purpose at kailangan lang nating hanapin.

Hangad ng mga sumusuporta kay Jo Berry na lumawig ang magandang kapalaran niya sa showbiz.

-REMY UMEREZ