International masks tampok sa Bacolod exhibit

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

BACOLOD CITY – Ipinapasilip ng International Mask Arts and Culture Organization (IMACO) ang mahigit 400 masks mula sa 22 bansa sa buong mundo sa isang exhibit sa Bacolod City.

Ayon kay Dawon Ginny Lee, head ng international cooperation team ng Imaco, ang exhibit sa Atrium ng SM City Bacolod ay tatakbo mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 26.

Ito ay para palaganapin ang kahalagahan ng mask culture sa pamamagitan ng rough exhibitions, aniya.

Itinatampok sa exhibit ang masks mula sa limang kontinente – Asia, Europe, America, Africa, at Oceania. Kabilang sa mga nagmula sa Asia ay ang masks mula sa Pilipinas, partikular na ang smiling masks ng Bacolod MassKara Festival.

Sinabi ni Lee na siya ay masayang-masaya para maging host ng exhibit sa “City of Smiles.”

Ito ay prelude sa IMACO international conference na binansagang “Inside and Outside of Mask Culture: Masks, Practice, and Culture,” na tumatakbo mula Nobyembre 5 hanggano 8 dito.

Sinabi ni Lee na halos 200 delegado mula sa 17 bansa ang dadalo sa conference na itinalaga para talakayin at makipagpalitan ng impormasyon sa samu’t saring international masks at cultures para hanapin ang cultural value ng masks at symbols gayundin ang magkakaloob ng malalaking oportunidad para sa mga kinatawan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo para magkaisa at magbahagi ng iba’t ibang cultural values.

Ang Imaco ay inistabisa sa Andong, Korea noong 2006, para bantayan at isulong ang mask cultures.

-Glazyl Masculino