Dokumentaryo para sagipin ang mga tamaraw

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

NAGLUNSAD ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng compelling documentary sa mga tamaraw (Bubalus mindorensis), sa layuning palakasin ang kamalayan at makalikom ng pondo para sa critically endangered animal na sa isla lamang ng Mindoro matatagpuan.

Ang “Suwag o Suko: Saving the Tamaraw from Extinction” ay isang-oras na pelikula na tumatalakay sa economic, social at cultural significance ng tamaraw, gayundin ang walang kapagurang pagsisikap ng tamaraw rangers na inilalagay sa panganib ang mga buhay para maprotektahan ang mga hayop na ito laban sa mangangaso.

Ang documentary ay produced sa pamamagitan ng partnership sa DENR at Biodiversity Finance Initiative (BIOFIN) ng United Nations Development Programme. Ito ay nilahukan ng young film practitioners.

Nagpahayag ng pag-asa si DENR Assistant Secretary at concurrent Biodiversity Management Bureau Director Ricardo Calderon na ang documentary ay magbibigay-inspirasyon sa mas maraming Pilipino para tumulong sa pagsagip sa tamaraw mula sa lubusang pagkaubos.

“I hope every single Filipino will have the opportunity to seeing real-life tamaraws today, and the coming years, decades and centuries,” sinabi ni Calderon.

Ang pelikula ay nakatakda para sa regular screening sa sa buong bansa, sa pagtarget ng DENR na makalikom ng P2 milyon para ipambili ng patrol gear at equipment at para tustusan ang accident insurance ng forest rangers.

Ang mga kinita mula sa documentary ay mapupunta sa Tamaraw Conservation Program (TCP) ng DENR, na naglalayong matugunan ang pagbaba ng bilang ng populasyon ng mga tamaraw.

Ang tamaraw, tinawag ding dwarf water buffalo, ay ang pinakamalaking native land mammal sa Pilipinas.

Mula 10,000 heads noong 1900s, malaki ang ibinaba ng populasyon ng tamaraw sa 480 na lamang sa huling bilang, ginawa itong world’s most endangered animals.

Ang illegal logging, poaching, over hunting, intensive farming at pagtatayo ng rantso sa mga kagubatan ng Mindoro ay pawang nag-aambag sa pagkaunti ng bilang ng mga tamaraw.

Noong 1982, itinatag ang Tamaraw Gene Pool sa ilalim ng captive breeding component ng programa. Gayunman, namatay ang 20 tamaraw na orihinal na nahuli para sa gene pool.

Sa kasalukuyan, nakatuon ang TCP sa pamamahala ng wild population at habitat, at sa pagsasagawa ng information and education campaigns sa kahalagahan ng pagliligtas sa tamaraw.

-Ellalyn De Vera-Ruiz