Celebrity Chef Mom Rosebud, ambassador ng Delicious Noodles

Filed under Balita, Global Pinoy, Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TUNAY na pasok sa panlasa ng Pinoy ang Delicious Special Noodles at mismong ang pamosong Celebrity Chef Mom na si Rosebud Benitez-Velasco ang makapagpapatunay nito.

ROSEBUD: Para sa pagkaing Pinoy.

ROSEBUD: Para sa pagkaing Pinoy.

Nitong Oktubre 22, lumagda ng isang taong ‘exclusive contract’ ang celebrity chef mom bilang bagong Celebrity Chef Brand Ambassador ng Delicious Special Noodles. Napatanyag si Chef Rosebud sa dati niyang programa na “Quickfire” sa GMA News TV.

Super excited na si Chef Rosebud sa naturang kolaborasyon, higit ang mga world-class  pasta at noodles na mga produkto ng Delicious Special Noodles ay siya ring paborito at regular niyang niluluto anumang okasyon sa pamilya.

Ngayon pa lamang, naghahanda na si Chef Rosebud ng mga masasarap na recipe para sa pasta at noodles na maibabahagi niya sa mga suki at parokyano ng Delicious Special Noodles pasta and noodle brand.

Ang Delicious Special Noodles ay isa sa mga pioneer pasta and noodle manufacturer sa bansa. Meron silang ibinibidang Macaroni, Spaghetti, Pancit Bihon, Pancit Malabon, Misua, Pansit Canton, Mami, Miki, Molo, Ramen, Soba at Udon, at sarili nilang brand ng Spaghetti Sauces. Mabibili ang ito sa mga paboritong  supermarkets, groceries and sari-sari stores sa buong bansa.