Marco Gallo ipapalit kay James Reid?

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

FORMER Teen Housemate of Pinoy Big Brother Lucky Season 7 ang siyang pinaka-latest na contract star ng Viva Artist Agency na si Marco Gallo, now 18 years old.

JAMES MARCO

Ang contract signing cum mini-presscon nitong si Marco ay ginanap nito lang Huwebes, October 17, 2019 to be exact sa mismong Viva Office katabi sina Boss Vic del Rosario at Madam Veronique del Rosario. Kasama rin nitong si Marco ang kanyang Mommy Dearest na isang Pinay. Not present ang father nitong Italyano from Milan, Italy.

During the Q&A portion sa tsikahan with Marco, ay tinanong ito ni yours truly na kung okay lang ba na siya ang ipapalit ng Viva Big Bosses kay James Reid dahil inglesero rin siya tas siya na rin ang bagong makaka-loveteam ni Nadine Lustre?

“Okay. I agree and will be happy if maging partner si Nadine. I like that, hahaha. Coz She’s pretty. She’s very pretty.

“But ahhhmmm, being you know, the next James Reid, as I’ve said kanina, I think everyone has their own path.

“And I would be really happy to achieve something that he achieved. I will be so overwhelmed if I did that. And nasa akin din naman yon, eh. If I will work hard for it. If everyday do my own craft, it will happen.” Sagot niya with matching half-Italian, half-Pinoy smile.

Naurirat din ang naging past romance niya with Julianna Gomez na nag-iisang anak nina Richard Gomez at Lucy Torres Gomez at ang tunay na rason kung bakit sila nag-break as lovers.

“There are things that didn’t work out for us especially when I decided to leave the country.

“I don’t prefer a long-distance relationship during that time and I was focused on doing other things that I really liked.

“Hindi naman sa hindi ako naniniwala, pero nung panahon na yun, hindi ako ready for doing long-distance relationship.

“’Coz there were some stuff going on, other stuff na hindi love life. I prefer to focus on that first.

“Ngayon na tapos na, hindi naman sa sinasabi ko na love again.

“Yun lang, sa tingin ko kapag really seryoso ang usapan, you have to be focused and be mature,” ang mahaba niyang katuwiran.

Dagdag pa nitong si Marco, he and Juliana broke up amicably and they both understood the situation

“We tried to be mature enough to become friends again after our break-up.

“That’s actually one of the breakups na hindi matindi ang away.

“We were just really friends afterwards.

“Hindi naman sa parang walang nangyari. But we preferred to go through it in a matured way,” lahad pa nang bagong contract star ng Viva Artist Agency.

Well, who knows, baka sa tamang panahon ay muli silang magkabalikan lalo na’t may saying na…if meant to be ay meant to be mereseng maraming kokontra. Yun na!

Niwey, welcome sa Viva Films Family of Boss Vic del Rosario, Marco Gallo at sana nga ay maging ka-tandem mo si Nadine sooner than soon, tsuk, para boom ang career, ganernnn!

-MERCY LEJARDE