Pacquiao, gagawa ng pelikula sa Hollywood

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Bagama’tinuulan ng kontrobersiya kung bakit siya ang napiling gumanap bilang isang bayani sa pelikula, kinumpirma ni boxing champ at Senador Manny Pacquiao na pumayag na siyang gumanap bilang si General Miguel Malvar sa silver screen.

pacquaio

Sa nakaraang panayam kay Manny, ikinumuwento niya kung bakit napapayag siyang gumanap bilang si Miguel Malvar.

“Mag-start pa lang yung shooting namin. Actually nung nilapit nila sa akin yan, sa dami ng mga nagpu-propose ng movie na ganun, nung nilapit sa akin yung General Malvar, nagustuhan ko yung story kasi hero siya. Napakagandang makapagbigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan. Hindi ko pa alam yung (cast). Kahit sino basta magampanan namin yung movie na true-to-life story na makapagbigay ng inspirasyon sa mga kababayan natin. Bawal lang sa akin yung may kissing scene, ganun,” nakangiting sambit ng Pambansang Kamao sa latest niyang Anta Philippines media launch last October 16.

Bukod sa pagganap ng role of the heroic Philippine general, ibinahagi rin ni Manny na gagawa siya isang international movie for which he was handpicked for the role.

Kuwento niya, “May offer din ako, yung American Hollywood movie. Handpicked nila ako. Hindi pa naman siya start. Mag-i-start pa lang rin yung shooting pero saka na lang namin i-announce lahat ng (detalye). May American movie din na gagawin.”

Bagama’t hindi pa nito isinasapubliko ang ilang detalye about the film, Manny said he is looking forward to the chance of working with a foreign cast.

-ADOR V. SALUTA