Duterte, nakiramay sa pamilya Barretto

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

Nagbigay ng kanyang huling respeto si Pangulong Rodrigo Duterte kay Miguel Alvir Barretto, ang ama ng mga aktres na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine, nitong Miyerkules ng gabi.

Claudine at ama -geducos

Sa isang Instagram post, nakita si Duterte na dumating sa lamay at sinalubong ni Claudine. Sa kanyang post, sinabi ni Claudine na ang Pangulo ay sinamahan ng long-time aide nitong si Senator Bong Go at ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Pinasalamatan ng pinakabata sa tatlong Barretto sisters si Duterte sa pagbisita nito sa lamay ng kanilang ama.

“Thank you Mr. President. It’s an honor to have you pay your respects to my Dad. God bless you Mr. President, Senator Bong Go and Atty. Panelo,” ani Claudine kahapon ng umaga.

Nasaksihan din ni Duterte ang reunion ni Gretchen sa kanyang pamilya at nakita sa isa pang Instagram video na hinawakan niya ang kamay ng aktres sa pagdating ng huli sa lamay ng kanyang ama.

Ilang beses na nakita si Gretchen na kasama ang Pangulo. Dumalo siya sa birthday party ni Panelo noong Setyembre 23.

Ibinahagi rin ni Gretchen ang video ni Duterte na inaawit ang paborito nitong kanya na Ikaw sa nasabing okasyon at nagpaskil ng litrato niya kasama ang Panguklo.

Kinumpirma ni Claudine ang pagpanaw ng kanyang ama sa isang Instagram story nitong Martes ng umaga, sinabing “Never knew I could hurt like this. Goodbye daddy.”

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

  • c5376254

    joker ng pelikula 2019 hd >> WATCHFREE123, COM