Casimero, sabak kay Tete sa UK

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

MAGBABALIK sa United Kingdom si John Riel Casimero sa kanyang pagtatangka na maagaw ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown kay Zolani Tete ng South Africa sa Nobyembre 30.

CASIMERO: Dalangin ang panalo.

CASIMERO: Dalangin ang panalo.

Naunang naihanda ang laban ni Frank Warren ng Queensberry Promotions ang laban sa Nov. 23, ngunit naiurong para madala sa Arena Birmingham.

Nakamit ng Queensberry Promotions ang karapatan sa laban sa ‘purse bid’ nitong September at nagpahayag ng kahandaan si Tete matapos magpahinga dulot ng injury sa kanang balikat.

“I have fully recovered from the shoulder injury and I will be testing it on Casimero’s chin. I am back,” sambit ni Tete.

Nitong Abril, umatras si Tete sa laban kay Nonito Donaire dahil sa injury at nakamit ni Casimero ang interim title laban kay Ricardo Espinoza. Nagawang maidepensa ni Casimero ang titulo laban kay Cesar Ramirez nitong Agosto.

Batay sa WBO rules, tatanggap si Tete (38-3 na may 21 KOs) ng US$225,000, habang si Casimero (28-4 na may 19 KOs) ay tatanggap ng US$75,000.

-Nick Giongco