UCBL: Diliman pipilitin ang win no. 9

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

 

Pipilitin ng Diliman College ang ninth straight panalo habang asam ng Centro Escolar University ang semifinal berth sa PG Flex Linoleum-Universities and Colleges Basketball League ngayon sa Olivarez College gym sa Parañaque City.

Maghaharap sa unang game ang Diliman Blue Dragons at Lyceum of the Philippines-Batangas Pirates 4 p.m. at magsasagupa ang CEU Scorpions at Technological Institute of the Philippines Engineers sa second game.

Kapag nanalo ang Diliman at CEU, papasok ang Olivarez College na may 6-2 record, sa semis.

Dahil 5-3 na standings, hindi dapat maging kampante ang Scorpions, na tinalo ng Blue Dragons 66-62 noong isang linggo, kung gusto nilang pumasok sa semis sa fourth straight season.

Sisikapin ng TIP Engineers na sumakay sa momentum ng kanilang 84-74 panalo laban LPU-B Pirates para maisulong ang semifinal campaign.

Gaya ng TIP, nais din iangat ng Lyceum ang 3-5 record para umabot sa semis.

-Kristel Satumbaga