Ipreserba ang katutubong kultura

Filed under Opinyon Balita RSS RSS Feed

TULOY ang pagsisikap ng mga Indigenous Peoples (IPs) sa Western Visayas upang maipreserba ang kanilang kultura bilang bahagi ng kanilang ambag sa pagsusulong ng bansa.

Bilang pagdiriwang ng IPs Month, pinangunahan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Sub-Commission on Cultural Communities and Traditional Arts (SCCTA), mga miyembro ng Committee on Central Cultural Communities (CCCC) mula sa iba’t ibang cluster sa rehiyon ang panibagong bahagi ng “Dayaw Suroy” Media Caravan 2019.

Sa pagbabahagi ni Lawyer Gerri Ann Villaruel, vice head ng CCCC, sinabi nitong ang “Dayaw” ang pangunahing programa ng SCCTA sa pagdiriwang ng buwan ng mga katutubo upang maitampok ang katangian ng kultura ng mga katutubong komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“We hope that we can work together for the preservation of the indigenous cultural heritage,” ani Villaruel, na nagmula sa Sulod/Bukidnon Cluster.

Sa idinaos na pulong balitaan, sinamahan siya nina Felicitas Catedrilla, kinatawan ng Ati ng Capiz/Iloilo/Guimaras; Jacquilyn Flores, Ati ng Negros Occidental Cluster; at Delia Pauden ng Ati ng Antique/Aklan Cluster.

Pinangunahan naman ng SCCTA, sa pamumuno ni Commissioner Alphonsus Tesoro, ang pagdiriwang ng National IPs Month ngayong buwan ng Oktubre, bilang itinakda ng Presidential Proclamation 1906 na nilagdaan noong 2009.

Tema ng pagdiriwang ngayon taon ang “Vital Wisdoms: Learning with the IPs” (Buhay na Dunong: Pagkatuto Kasama ang mga Katutubo), na nagtatampok sa Intangible Cultural Heritage (ICH) na grupo sa limang bahagi ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Kabilang dito ang: oral traditions at expressions; performing arts; social practices, rituals, at festive events; knowledge at practices concerning nature at universe; at ang traditional craftsmanship.

Nagpasalamat naman si Teresita Sinceda ng tribong Ati mula sa Sitio Marikudo, sa Isabela, Negros Occidental, para sa oportunidad na makapagtrabaho sa NCCA, na nagtatag ng School of Living Tradition (SLT) learning centersa kanilang komunidad, para sa muling pakabuhay ng katutubong kultura ng mga Ati.

“I’m so thankful the program of the NCCA has reached us. The lost culture of our forefathers has been revived. Now our children know how to dance the ‘Kupoy’ and understand its meaning. They now play the traditional games,” pahayag ni Sinceda sa wikang Hiligaynon.

Nakatulong aniya, ang mga programa ng NCCA, kasama ang National Commission on IPs at Department of Social Welfare and Development, upang mapabuti ang kanilang buhay.

“Through the NCCA’s Dayaw, we have the opportunity to show our culture and meet fellow IPs in the country,”aniya.

Sa isang pahayag, nanawagan din si Tesoro na makiisa ang lahat ng sektor sa pagdiriwang ng IPs Month.

“Through the IPs Month celebration, the government is recognizing the significant role, the participation, and the contribution of the indigenous peoples’ communities in nation-building,”dagdag pa niya.

PNA