Win no. 6, puntirya ng TNT

Filed under Basketball Balita RSS RSS Feed

Sisipatin ng TNT KaTropa ang ika-6 na panalo at ang virtual quarterfinals berth sa laro kontra Meralco sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Mas matibay na depensa ang layon ng KaTropa matapos muntik nang malaglag sa kanilang huling tatlong laro.

Nailagan ng KaTropa ang unang loss nang maungusan nito ang NorthPort Batang Pier, 103-100, Miyerkules.

Alam ng KaTropa na hindi magiging madali ang game laban Meralco na may 3-1 record.

Pero pinoproblema din ni Meralco coach Norman Black kung papano talunin ang TNT.

“That’s a tough one coming up,” sabi ni Black. “You can scout them and you’d pretty much know what’s coming. The problem is when they start raining those threes on you, it becomes very, very difficult to stop them.”

Para kay Black, dapat depensahan nang maayos si TNT import KJ McDaniels, na nag-aaverage ng 33.8 points, 15.6 rebounds, 5.8 assists, 1.8 steals and 3.6 blocks.

Ang Bolts import naman na si Allen Durham ay may average na 26.3 points, 15.0 rebounds at 5.8 assists.

Sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario and Don Trollano ang itatapat ng TNT kina Baser Amer, Raymond Almazan at Chris Newsome.

Sa unang game, pipilitin ng Phoenix Pulse na makapulot ng victory kontra NorthPort.

Hangad naman ng NorthPort na tapusin ang four-game losing streak.