UNTV Cup: Malacañang- PSC sinisipat ang win no. 3

Filed under Sports Balita RSS RSS Feed

Susubukan ng Malacañang- Philippine Sports Commission na idagdag ang GSIS sa listahan ng mga biktima sa 8th UNTV Cup sa paghaharap ng dalawang team Linggo sa Pasig City Sports Center.

Hahabulin ng Malacañang-PSC Kamao ang pangatlong straight panalo laban sa Furies.

Pinangungunahan ng former national pool member Erick dela Cuesta at Ian Garrido, tinalo ng Kamao ang NHA (77-76) at Judiciary (64-60) sa Group B eliminations.

Sumadsad naman ang Furies sa kanilang first two games at sasandal kay Rene Boy Banzali para patumbahin ang Kamao.

Sa pangalawang Group B game, maglalaban ang Judiciary Magis at ang NHA Builders.

Sa nag-iisang Group A game, pipilitin ng PhilHealth na makamit ang unang panalo laban sa Ombudsman.

Ang Judiciary at NHA ay kapwa 1-1 ang record.

Inaasahang magdadala sa Kamao sina JA Roque at Visnu Das Javier, na may double figures sa panalo ng Kamao kontra Builders.

Asahan mahigpit ang pagbabantay kay Alvin Vitug ng NHA na umiskor ng 34 points noong huling laban.

Angat ang defending champion Armed Forces of the Philippines sa Group A, na may 3-0 record.