Kim Molina, ‘blockbuster comedian’

Filed under Showbiz atbp. Balita RSS RSS Feed

TAMA lang na tawagin ni Giselle Sanchez na blockbuster comedian si Kim Molina dahil waging-wagi sa takilya ang current movie niyang Jowable mula sa Viva Films. Bihira ang katulad ni Kim na sa maikling panahon ay agad sumikat lalo na kung produkto ka ng teatro.

Kim

First and foremost, magaling na singer si Kim at namalas ito sa musical Rak of Aegis na ilang beses ng nagkaroon ng repeats. At isa rin siyang mahusay na komedyante. Malaking tulong din na very approachable si Kim at so far ay walang attitude problem.

Sa tagumpay ng Jowable ay nakatitiyak kaming may nilulutong bagong movie project para sa unstoppable Kim.

Meanwhile, magkakaroon ng one night show si Kim with commedianes Giselle Sanchez at Candy Pangilinan titled Titas of Manila Directed by Andrew de Real. It will be held sa Music Museum on Nov. 22. 2019.

As the title implies patungkol ito sa ibat ibang uri ng tita at ang mga kakaibang pag uugali. May masungit, sexy at smart at pakialamera. Mga katauhang isasalarawan nina Giselle, Candy at Kim ang tinawag ni direk na ‘wackiest ‘ Titas of Manila. Special guests sina Jon Santos, Aiko Melendez, Gelli de Belen at Carmina Villaruel.

-REMY UMEREZ